Skip to content

Sagot ng Anak sa Magulang, a response to a YouTube post “Sa Aking Pagtanda – Ang Sulat ni Nanay at Tatay”

07/26/2013

After seeing this Youtube post “Sa Aking Pagtanda – Ang Sulat ni Nanay at Tatay,” Kuya Daniel Razon was prompted to write a response. Entitled Sagot ng Anak sa Magulang, the poetic masterpiece has already inspired thousands of Facebook users.

Sa panulat ni Kuya Daniel Razon
(Aired on ‪#‎DearKuya‬ July 23, 2013 episode)

Sa iyo aking tatay…
Nais ko po sanang hanggang sa iyong pagtanda
Mata ma’y lumabo, pandinig man ay humina
Ibig ko’y sa tabi mo upang mag-alaga
Tulad ng ginawa mo noong ako ay bata.

Kung lumalakas man ang aking boses
Gusto ko lamang pong ako’y iyong marinig
Di ibig sabihing ako’y nagagalit
Kapag mayroon kang sa akin ay pinauulit.

Pasensya na itay…
Kapag ikaw minsa’y aking naiiwan.
At kung hindi ako ang palaging sa iyo ay umaalalay
Kailangan ko lang po na ipagpatuloy ang aking hanapbuhay
Gaya rin ng laging sa akin ay inyong ipinangangaral
Na huwag maging tamad at tuwina’y maging masikhay.

Patawad po itay…
Kung hindi tayo madalas magkakwentuhan.
Hindi po dahil yun sa ang kwento mo’y ayaw kong pakinggan
At kailan man po ay hindi kita pinagtatawanan
Kung may sandaling ikaw ay mayroong nakakalimutan
Alam ko kasing dala marahil yun ng iyong katandaan.

At hindi ko pa po nakakalimutan
Ng ako’y bata, ako’y pinagtiyagaan
At iyong tiniis ang lahat ng aking mga kakulitan
At sa paghina ng iyong katawan
Nais ko po sanang ika’y mapaglingkuran
Gaya ng ako’y isang paslit pa lang
Binibigay mong lahat ang aking kailangan.

Sa iyong pagtanda, asahan mo itay
Sa panalangin ko’y lagi ka pong laman
Na sana ikaw ay lagi Niyang bantayan
At sana’y humaba pa ang iyong buhay.

Sana’y madama mo ang aking pagmamahal
At makasama ka sa walang hanggan
Alam ko po ako’y hindi makakabayad
Sa pagmamahal mo at iyong paglingap
Nguni’t sa Maykapal ang hiling ko sana at aking pangarap
Ako sayo’y laging maging isang mabuting anak.

Batid kong ikaw ay magiging masaya
Kung masusundan ko landas mong tinahak
At ang paglilingkod na ginagawa mo
At kung ako po’y madalas wala diyan sa tabi mo
Gusto ko po kasing magawa kahit kaunti lang
Ng mga ginawa mo.

Sana itay ako’y patawarin…
Kung minsa’y matagal na hindi kita kapiling
Hindi ito dahil ‘di ka mahal sa akin
Mayroon lang po talagang kailangang gawin.

‘Di ko po nais magbingi-bingihan
Sa mga daing mo at pananambitan
Ang bawat luha mo’y aking ipinagdaramdam
Hindi ko po ibig na ika’y masaktan.

Hiling ko rin po ang iyong pang-unawa
Kung nagkukulang ako sa aking paggawa
Ngunit sa Maykapal hiling ko ay awa
Sa bawat sandali maingatan ka nawa.

Advertisements
No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: