Skip to content

UNTVweb.com: Kuya Daniel Razon, nakilahok sa paglalaro ng basketball game sa PBA Legends para sa libreng edukasyon!

08/02/2010

Muling nanariwa sa Cuneta Astrodome ang kasikatan ng mga Pinoy Basketball Heroes sa pamamagitan ni Kuya Daniel Razon para sa “Isang Araw Lang: Barangay Hoopsters Meet the Legends”.

Ang sagupaan ng mga nangangarap na maging sikat na players at ng mga kilalang PBA legends ay magtataguyod ng libreng edukasyon ng mahigit 200 mga estudyante sa free college program ni Kuya Daniel Razon at ni Bro. Eli Soriano.

Kuya Daniel Razon speaks before the opening of the benefit game. Photo taken by Rovik Balunsay

Ayon sa mga beteranong basketbolista, naging malaking inspirasyon sa kanila ang adhikain ni Kuya Daniel upang muling i-dribol ang bola sa harapan ng maraming mga fans. Sinabi ni Mr.Philip Ceasar at Mr.Atoy Co, noong una raw ay nag-alinlangan pa sila makilaro sa mga mas batang player at mas mabibilis nang kumilos sa basketball court, subalit nang maunawaan nila ang layunin ng adbokasiya ni Kuya, agad daw silang nakumbinsing magandang makabahagi sa larong ito.

At kung noon ang bawat game daw ay inilalaan lamang sa kanilang mga sikat na koponan, sinabi ni Mr. Kenneth Dumremdes na siya ring naging MVP sa game, naiiba na raw ngayon ang paglalaro sapagkat nagkaroon ng mas malalim na kabuluhan ang game kahit isang araw lang.

Samantala kasabay din ng isang araw na ito ay nagkaroon ng katuparan ang mga munting pangarap ng Philippine Wheelchair Basketball Team na makapaglaro at hangaan ng napakaraming mga tao. Para kay Kuya Daniel, kahit sa larangan ng sports, nais pa nyang mapalawak ang pagbibigay serbisyo para din naman sa mga bagong sumisibol na atletang pilipino. At sa maliit na paraa’y maitulak din naman ang gobyerno na matulungan ang mga nangangarap na ibandila ang karangalan ng ating bansa.

Natapos ang laban sa score na 79-72 na pinamayanihan pa rin ng mga retiradong basketball players kabilang na sina Mr.Bogs Adornado, Mr. Orly Bauzon, Mr.Fredie Hubalde, Mr.Jerry Condiñera, Mr.Vergel Meneses, Mr.Paul Alvarez, Mr.Jun Limpot at Mr.Vince Hizon. [UNTVweb.com]

Advertisements
No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: