Skip to content

Repost from People’s Journal: Daniel Razon mas una ang gawa kaysa ngawa

01/30/2010

Hataw na sa panga-ngampanya ang mga pulitikong kakandidato sa darating na eleksyon bitbit ang mga pangako na iaahon tayo sa kahirapan ang ating mga kababayan at magandang edukasyon para sa mga kabataan.

Ito ay puro pangako pa lamang at hindi tayo nakasisiguro kung magkakaroon ng katuparan.

Mas naniniwala pa ako kay Kuya Daniel Razon, tinaguriang “Mr. Public Service,” dahil mas nauuna ang gawa kaysa sa ngawa.

Tulad ng pangarap ni-yang makapagbigay ng lib-reng edukasyon sa mahihirap na kabataan. Ang hindi natin alam, mayroon na pala siyang paaralan sa Pampanga na nagbibigay ng libreng edukasyon sa elementary, high school at kolehiyo, na ang gagawin na lang ng mga estudyante ay papasok na lang dahil kumpleto sila sa libro, uniform at pati sa pagkain.

Sa darating na pasukan ay bubuksan na rin ni Kuya Daniel at ng kanyang Kamaanggagawa Foundation ang La Verdad Christian College sa Calookan City na magbibigay din ng libreng college education para sa mahihirap na kabataan, na ang tanging pagbabasehan ay totoong mahirap at interesadong makatapos ng pag-aaral.

Dahil sa adhikaing ito ay naisip nilang itakda ang “Takbo Para Sa Libreng Kolehiyo” sa January 31 sa SM Mall of Asia kung saan ang malilikom na pondo mula sa tinatarget na 50,000 lalahok sa marathon ay idaragdag sa naturang pro-yekto.

Click here to read more about “Daniel Razon mas una ang gawa kaysa ngawa”

Advertisements
No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: