Skip to content

Youth Concert and Convention: The Sequel, a great success; Kuya Daniel Razon receives gold record

08/18/2009

Naging matagumpay ang isinagawang Youth Convention and Concert (YCon Con) Isang Araw Lang the Sequel sa Araneta Coliseum.

YCon Con: Isang Araw Lang the Sequel at the Araneta Coliseum on August 17, 2009

YCon Con: Isang Araw Lang the Sequel at the Araneta Coliseum on August 17, 2009

Libu-libong manonood ang dumalo upang saksihan ang konsiyerto na minsan pa ay inihandog ng Bible Readers Society International, Breakthrough and Milestones Productions International at UNTV at Kamanggagawa Foundation sa pakikipagtulungan ng NU107 at iba pang mga sponsors ng event.

Ang YCon Con: Isang Araw Lang ang pangalawang sesyon ng konsyerto mula nang ilunsad ito ng BRead Society at BMPI-UNTV noong March 2006 para sa kapakinabangan ng mga kabataang nalulong sa bawal na gamot at ngayon ay kinakalinga sa Bahay Bagong Buhay Rehabilitation Center sa Bicutan, Taguig.

At sa ikalawang pagkakataon, iba’t ibang mga sikat na performers ang natunghayan ng madla gaya ng bandang Pupil with Ely Buendia, Shamrock, Sugar Free, Itchyworms, Play Band at mga solo performances ni Krist Melecio, Milan, Francis Reyes at Soul Siren Nina.

Fans of Kuya Daniel trooped to Araneta Coliseum to watch the live performance of Kuya Daniel and other most sought after singers and bands in the country at the YCon Con: Isang Araw Lang the Sequel

Fans of Kuya Daniel trooped to Araneta Coliseum to watch the live performance of Kuya Daniel and other most sought after singers and bands in the country at the YCon Con: Isang Araw Lang the Sequel

Sumabog naman ang hiyawan at labis na katuwaan ng mga manonood nang lumabas na sa entablado ang Kuya ng Bayan at“Mr. Public Service” Kuya Daniel Razon.

Kasabay rin ng malaking concert na ito ang launching ng “Isang Araw Lang” album ni Kuya Daniel na gumuhit ng kasaysayan sa industriya ng musika sa bansa.

Sa unang araw pa lamang na inilabas ang album ay nakapagtala na agad ito ng mahigit sa 12,500 sales! Kaya hindi na nakapagtataka kung agad nakapagtala ng Gold Record ang best selling album ni Kuya Daniel Razon.

The crowd simply went wild when Kuya Daniel Razon sang his first spot number as he walks from the backstage.

The crowd simply went wild when Kuya Daniel Razon sang his first spot number as he walks from the backstage.

“First time in the history ng recording industry sa bansa, in just one day, Gold Record! Thank you!” ani Kuya Daniel na hindi maitago ang galak na nararamdaman sa positibong tugon ng mga manonood sa kanyang album.

BRead Society International President King Cortez holds the album of Kuya Daniel  as UNTV Station Manager Mr. Jay Sonza presents the "Isang Araw Lang" album of Kuya Daniel Razon that became a Gold Record on the first day of selling, a first in Philippine record-selling industry.

Able Music’s Bernie Refuerzo presents to Kuya Daniel Razon the Gold Record plaque for his new album, Isang Araw Lang, a first in the history of Philippine music industry whereby an album sold more than 12,500 copies for just one day.

Kilala si Kuya Daniel bilang Mr. Public Service dahil sa tunay na serbisyo at walang sawang pagtulong na kanyang ipinagkakaloob sa kanyang kapwa tao lalo na sa mga nangangailangan.

Mula sa araw-araw na libreng medical mission, legal consultation, libreng sakay sa bus at MRT, barko at maging sa eroplano ay ipinaglilingkod ni Kuya Daniel katuwang si Bro. Eli Soriano ng Ang Dating Daan, Kamanggagawa Foundation, Inc., Kabalikat sa Pamamahayag Internayunal (KAPI) at ng BMPI-UNTV.

Kuya Daniel Razon smiles for the crowd

Kuya Daniel Razon smiles for the crowd

Ang event na ito ay hindi lamang isang gabi ng pagsasaya at mga awitin dahil ang kikitain dito ay mapupunta sa makabuluhang bagay at ito ay ang Free College Education Program na itinataguyod ni Kuya Daniel katuwang si Bro. Eli.

Kakaiba ang scholarship program na ito dahil hindi kailangang matalino at topnotchers sa eskwela ang hinahanap kundi ang mga taong may pagnanasang makatapos sa pag-aaral sa kabila ng kahirapan sa buhay.

“Sa lahat po ng mga nanonood, ang isipin na lamang po ninyo kung titingin kayo sa entablado, may isang estudyante na makakapag-aral ng libreng kolehiyo sa tulong po ninyo,” ang paliwanag ni Kuya Daniel sa mga manonood sa dahilan ng pagsasagawa ng naturang konsyerto.

Ayon naman kay Bro. Eli Soriano, nagpapasalamat siya sa awa at tulong ng Dios na nagbigay ng pagkakataon para maisakatuparan ang mga proyektong patuloy nilang itinataguyod.

Bro. Eli Soriano gives an inspiring message to the supporters of Isang Araw Lang Campaign of Kuya Daniel Razon and YCon Con: the Sequel.

Bro. Eli Soriano gives an inspiring message to the supporters of Isang Araw Lang Campaign of Kuya Daniel Razon and YCon Con: the Sequel.

“With God’s help, we are able to do things that others don’t do – a free clinic, free bus rides, free education,” ani Bro. Eli sa isang mensahe sa pamamagitan ng video na ipinadala pa mula sa ibang bansa.

Nagbigay rin ng payo si Bro. Eli sa BRead Society na isa sa mga masugid na taga-suporta ng mga proyekto nina Bro. Eli at Kuya Daniel.

“Continue being Bible Readers – by reading the Bible, you will be better students, better youth, and better citizens of our country.”

Nagpasalamat rin si Bro. Eli sa lahat ng mga pumunta at sumuporta sa YConCon: Isang Araw Lang the Sequel sa The Big Dome.

Kuya Daniel Razon jams with the crowd as he sing songs from his "Isang Araw Lang" album

Kuya Daniel Razon jams with the crowd as he sing songs from his “Isang Araw Lang” album

Naiiyak man dahil sa tindi ng nadaramang emosyon, nagpasalamat rin ang President eng BRead Society na si King Cortez sa pagbibigay ni Bro. Eli at Kuya Daniel ng inspirasyon sa kanilang grupo na kahit mga kabataan at mag-aaral sa iba’t ibang unibersidad sa buong mundo ay nakagagawa pa rin ng paraan para makatulong sa kapwa tao at makagawa ng makabuluhang bagay sa lipunan.

Ang YConCon: Isang Araw Lang the Sequel ay isa na naang matagumpay na proyekto sa pagtutulungan ng BRead Society, Kamanggagawa Foundation, Inc. at BMPI-UNTV.

The overwhelming crowd cheered as performers rendered songs in support to Isang Araw Lang campaign of Kuya Daniel Razon

The crowd cheered as performers rendered songs in support to Isang Araw Lang campaign of Kuya Daniel Razon

Sa mga hindi nakapanood sa YCon Con sa Araneta, bumili na lamang ng “Isang Araw Lang” album at suportahan ang kampanya ng ating Kuya Daniel para madugtungan ang pag-aaral ng ating mga mahihirap na kababayan. (with reports from UNTV reporter Pong Mercado)

*** For more information, please visit untvweb.com, danielrazon.com and kuyadanielrazon.wordpress.com (A Fan Blog for Kuya Daniel Razon).

Advertisements
6 Comments leave one →
  1. Liloth permalink
    08/18/2009 2:08 am

    More power to Kuya Daniel. You are an inspiration to all of us. Thanks be to God that we have you amidst us.

  2. Richard Rivera permalink
    08/18/2009 2:13 am

    Grbehhhh!!!!!!!! muli na naman nating “NIYANIG” ang Araneta sa loob ng ISANG ARAW LANG!!!!!!!!! TO GOD BE THE GLORY!!!!!!!!!!

  3. 08/18/2009 4:19 am

    We really proud of you KUYA DANIEL!!!
    Thanks be unto God we have found Kuya like you.
    You deserve of everything but you you give everything what you have for the benefits of our fellowmen.

    We love you Kuya
    keep up the great job!!!!!

  4. george lim permalink
    08/18/2009 7:44 am

    once again we have witness the grace of our Lord God the Father almighty his greatness.to God be the glory!

  5. light_walker2005 permalink
    08/19/2009 6:00 am

    To God be the Glory!!!

  6. Glenn L. A. permalink
    08/20/2009 12:22 pm

    To God Be The Glory!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: