Skip to content

Good News for the Press People!

04/13/2009

It was the Vol. 4, No. 5 issue of the Magandang Balita (Good News) newspaper, the tabloid given by the Members, Church of God International headed by Bro. Eli Soriano to everyone for free.

“…to everyone for free,” Yes. This isn’t a typo. They do give it for free.

Anyways, the good news is our beloved Kuya Daniel is on the front page!

KUYA, NAGPA-MEDICAL MISSION SA PRESS PHOTOGRAPHERS OF THE PHILIPPINES

Well, actually, knowing our Kuya Daniel, to him, he doesn’t care if he’s on the front page or not. To him what matters is that he did good. As he has repeatedly said in his public speeches and interviews: “Walang gawang mabuti na magbubunga ng masama.” (No good work will result to evil.)

So let’s read all about the good news that Magandang Balita brought to its readers:

Kuya, Nagpa-Medical Mission sa Press Photographers of the Philippines
by Rey Tamayo/Anthony Chua

Muli na namang ipinakita ni Mr. Public Service ang kaniyang malasakit sa kanyang kapwa nang ilunsad muli ang isang free medical mission para sa mga litratista na nasa media industry noong ika-22 ng Marso sa bulwagang Plaridel ng National Press Club Building.

May kabuoang 289 ang napagkalooban ng libreng medical mission kabilang na ang mga liratista na kasapi sa Press Photographers of the Philippines (PPP) at maging ang kanilang mga pamilya. Matagumpay na naidaos ang nasabing libreng serbisyong medical na pinangunahan ni “Kuya” Daniel Razon, ang host ng Good Morning Kuya” ng UNTV37, at sa pakikipagtulungan ng Kamanggagawa Foundation Inc. (KFI).

Bukod sa medical mission, nagkaloob din si Kuya, na isa ring miyembro ng  PPP, ng tulong pinansyal kina Jojo Pasana (Manila Times), Edong Reyes (People’s Journal), Ramon Asasio (Malaya) at Carlito Arenas (Abante) na mga press photographers na naospital dahil sa pagganap nila ng kanilang mga tungkulin.

Sa mga nabanggit, namayapa na si Pasana habang sina Reyes, Asasio, at Arenas ay kasalukuyang nagpapagaling sa kanilang mga karamdaman.

“Para sa aming mga press photographers, malaki ang naitulong ng medical mission, pati na ang tulong pinansyal na ibinigay ni Kuya Daniel Razon,” wika ni Francis Malasig, miyembro ng PPP.

“Alam ninyo naman, prone sa sakit at aksidente ang aming trabaho. Kaya nagpapasalamat ako ng malaki kay Kuya dahil sa kanyang pagmamalasakit sa aming mga photographers na ‘di gaanong nabibigyan ng pansin ng lipunan,” dagdag niya.

Samantala, nagbigay din si Kuya ng (Php) 100,000 na magsisilbing karagdagang pondo para sa ikasusulong ng mga gawain at mga pangangailangang pinansyal ng nasabing organisasyon.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si PPP President Jerry Carual sa ibinigay na tulong sa mga kasamahang litratista at maging sa karagdagang pondo ng kanilang samahan.

Ayon naman kay Kuya Daniel Razon, nais niyang magkaroon ng regular na executive check-up ang mga kasamahan sa media hindi lamang sa mga miyembro ng PPP kundi maging sa mga kasamahang brodkaster at peryodista.

“Bukod sa part din ako ng media first and foremost, nakita ko ang predicament ng taga-media. Writers natin, reporters natin, mga kasamang broadcaster na mga sikat dati, tapos nakikita mo na humihingi sa atin ng tulong dahil wala man lang pang dialysis at pampadoktor. Kasi masakit din yung kapag sikat ka, kilala ka. Kapag hindi ka na sikat ay hindi na matulungan… At marami tayong mga kasamahan na may problema sa health, kaya naisipan ko ito,” pahayag ni Kuya Daniel.

“Isa pa, kung iyong mga tao na hindi naman natin kilala ay natutulungan natin, bakit naman hindi yung mga kasama talaga natin sa hanapbuhay. Mai-extend sa kanila ang ganitong tulong,” dagdag pa ni Kuya.

Advertisements
2 Comments leave one →
  1. hetfield permalink
    04/13/2009 6:32 am

    that’s mr.public servant doing his thing again :)

  2. enyasirch permalink
    04/20/2009 11:29 am

    isn’t it great when someone as credible and trusted like Kuya Daniel can still save time to render free medical service to his fellow media men? other writers were being ignored by PR people after they lost the peak of their carreer. I remember Kuya Daniel also put up the Test Broadcast concert, which benefited the families of slain broadcasters, now a medical mission once a month for reporters/ writers? Kuya Daniel really is the Mr. Public Service!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: